Inang Kalikasan: Pangalagaan
          Ang ating mundo ay sagana sa mayamang likas na yaman. Mga kayamanang siyang sumusuporta sa buhay ng lahat ng nilalang sa daigdig. Napapalawig ang lahi ng tao at naitataguyod ang isang matiwasay na kinabukasan dahil sa yamang handog ng mayamang kalikasan. 
         Sa patuloy na pag-unlad ng ating mundo kaalinsabay nito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating kalikasan na hindi dapat isinasawalang bahala. Mga mapag-aksayang pamumuhay ng tao, tulad ng labis na paggamit o pagkunsumo ng kuryente, patuloy na pag-usbong at pagdami ng mga pabrika na nagbubuga ng mga usok, pag-abuso sa mga likas na yaman na nagiging dahilan ng pagkawasak ng bundok at kagubatan. Ang patuloy na paglobo ng populasyon ay isa rin sa dahilan ng paglaki ng pangangailangan upang magpatuloy ang labis na pagkonsumo sa likas na yaman.
          Climate change, global warming at mga kakaibang pagbabagong nagaganap sa ating kalikasan. Ito ang nagiging dahilan ng mga kalamidad na dulot ng pwersa ng kalikasan.  El Nino ang penominang nararanasan natin ngayon, ang labis na pagtaas ng temperatura na nagiging dahilan ng gutom, pagkakasakit at pagkamatay dahil sa heatwave. La Nina na nagdulot ng mga malalakas na pagbagyo, pagbaha, kasunod nito ang paglaganap ng iba't ibang sakit tulad ng leptospirosis, dengue, malaria at iba pa. Ang mataas na polusyon sa hangin na nagmula sa mga usok ng mga sasakyan, mga pabrika, gayundin ang pagsusunog natin ng mga basura tulad ng goma at plastik ay labis na kasisira sa ating kalikasan. Ilan lamang ito sa mga bunga ng ating kapabayaan ang sukli ay galit ng inang kalikasan na hindi natin kayang kontrolin kapag siya ng naningil sa atin.
             Hindi pa huli ang lahat, maaari pa nating isalba at harangin ang patuloy na pagsulong ng Climate change at mapanatili ang kagandahan ang kalikasan. Mula sa simpleng pagtatanim ng mga punong-kahoy, pagpigil sa illegal logging at ang deforestation ay maibabalik ang ganda kagubatan. Sa simpleng pagtitipid sa paggamit ng mga enerhiya/kuryente at iwasan ang pagiging maluho  sa pagpalit -palit ng mga kagamitan na makatutulong sa produksyon ng mga pabrika na gumagawa ng mga produkto. Pagrerecycle ng mga bagay na maaari pang gamitin na maaari pang pakinabangan at pakikiisa sa mga programa ng gobyerno tulad ng "Luntiang Pilipinas". Ang kinabukasan ng ating kalikasan ay nakasalalay sa ating mga kamay, kung atin itong aabusuhin tayo ang magdurusa sa huli subalit kung ating aalagaan tayo rin ang makikinabang gayundin ang mga susunod na henerasyon. Nararapat lang nating tatandaan pangalagaan ating inang kalikasan. 
             

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito