Book Fair
Guro: Ang Aking Bayani't Idolo
MGA TULA:
MGA MAIKLING KWENTO
Ang maikling kuwentong ito ay tungkol sa
isang guro at ina na kung bansagan ng kanyang mga estudyante ay “Mabuti”.
Si Mabuti ang naging
dahilan upang maunawaan ng isang mag-aaral sa katauhan ni Fe ang tunay na
kahulugan ng buhay.
Si Mabuti may
suliraning iniiyakan, tulad din ni Fe. Sa kabila nito, napaghingahan niya ng
damdamin ang guro. Bumuti ang kanyang pakiramdam at naging positibo ang
kanyang pananaw sa buhay.
Natuklasan niya ang isang lihim
sa pagkatao nito na nagbunga ng anak. Ang anak na ipinagmamalaki ng guro sa
kabila ng lahat. Hindi niya kinabakasan ng kapaitan ang guro.
Naramdaman ni Fe na sila ni
Mabuti ay iisa dahil nadama niya na silang dalawa ay bahagi ng mga
nilalang na nakararanas ng kalungkutan at nakakikilala ng kaligayahan.
BUOD
Si Bb. de la Rosa ay nagtuturo ng animnapung estudyante ngunit may isang
batang may kaitiman, sarat na ilong at makapal na labi ang nakaagaw ng kanyang
pansin. Leoncio Santos ang pangalan ng batang ito. Si Leoncio ay hindi kagaya
ng kanyang mga kaklase, mag-isa siya palagi at hindi siya masyadong
nakikipaglaro sa kanila. Magaling siya sa klase ngunit siya’y hindi
nangunguna sa kadahilanang may mga panahong ang atensyon nito ay wala sa
paaralan. Isang araw, lumiban si Leoncio dahil siya ay nahilo. Sa sumunod na
araw, kinumusta siya ng kanyang guro at pinagsabihang kumain ng maraming gulay
at itlog. Sa isang pagkakataong nakita ni Bb. de la Rosa na sa panahon ng
pananghalian ay walang kinakain si Leoncio at tila tinitingnan lamang nito ang
pagkain ng iba ay napag – alaman niyang palaging walang baon ang isa sa kanyang
mga estudyante. Pagkalipas ng ilang buwan, wala pa ring pagbabago kay Leoncio.
Nang lumiban sa pasok ang bata ng halos limang araw ay binisita siya ng kanyang
guro sa kanilang tahanan. Nakilala ni Bb. de la Rosa ang ina ni Leoncio at
nakita niya rin ang tunay na kalagayan ng bata.
ni Lamberto Cabual
Buod
Mahusay ang ipinapakita ni Bheng sa klase ng kanyang guro na si Leo. Sabi
ng kanyang guro, maaaring Journalism o creative writing ang kanyang pwedeng
mapasukan kapag sya ay nakapagtapos ng kanyang pag-aaral. Sobrang pinagbubuti
ni Bheng ang kanyang pag-aaral dahil sa kanyang inspirasyon na kanyang guro.
Tungkol sa pag-ibig ang kanilang tema sa pagsusulat at maraming alam dito si
Bheng. Lubos na humanga ang kanyang guro sa kanyang pinakita. Sabi ni Bheng,
gusto nyang ituro sa kanya ng kanyang guro ang application ngunit sabi ng guro
ay wala siyang gaanong karanasan para dito. Nagtanong sa kanya ang kanyang
guro, natuturtuan ba ang puso? Sabi ni Bheng, syempre naman, at sa tingin ng
kanyang guro na mas magaling si Bheng ukol dito. Sabi ni Bheng, kung gusto ng kanyang
guro, ituturo nya lahat sa kanya. Niyaya ni Bheng ang kanyang guro sa Plaza
Mabini, doon daw niya ituturo lahat. Sa una ay Masaya ang kanilang pag-uusap,
sa kalaunan, nagging seryoso na ang kanilang napag-uusapan, dito na umamin si
Bheng sa kanyang nararamdaman sa kaniyang guro na mahal na mahal niya ito.
Tumatanggi ang guro dahil may asawa siya ngunit walang anak. Pilit nyang
pinahayag sa kanyang guro ang kanyang nararamdaman, at ang kawalang anak ay ang
nagtulak sa guro na pumatol sa kanyang estudyante. Pumunta sila sa upuan sa
tabi ng akasya, doon sila ay hindi na makikita. Pagtapos nila sa kanilang
ginawa ay umalis na ang lalaki at biglang nahulio silang naghahalikan ng
estudyante ng asawa ni Leo na si Helen. Nagalit si Helen kay Bheng at ito ay umiyak
dahil sa gulat niya at hindi na makapagsalita si Leo.
MGA SANAYSAY
Si Teacher, Ang Aking Bayani
Itinuturing natin na bayani ang isang tao tuwing naiaalay nito ang kanyang buhay para sa ikauunlad, para sa pagbabago ng bayan. Karamihan sa mga kilalang bayani na inalala natin tuwing ika-26 ng Agosto ay namatay noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, Amerikano at Hapon. Kabilang na rito ang pambansang bayani na si Jose Rizal, si Andres Bonifacio, si Melchora Aquino, si Apolinario Mabini, si Gregorio del Pilar at lahat ng nakipaglaban sa katiwalian at kasakiman noong unang panahon. Tulad ng aking nabanggit, yumao na ang mga taong kinikilala nating bayani ngunit hindi lamang ang mga yumao ang pwede nating ituring na bayani; mayroong mga buhay na bayani.
Sino na nga ba ang mga taong maaari nating ituring na buhay na bayani? Ang mga taong pinaka-nakikita ko bilang bayani ay ang mga taong nagtuturo sa atin – ang ating mga GURO.
Ang ating mga guro ay ang ating ikalawang magulang. Sila ang mga taong nagaalay ng kanilang oras upang ibahagi ang kanilang kaalaman. Hindi nila inaalintana ang hirap ng pagtuturo, ang pagod sa pagtayo, ang sakit sa lalamunan upang tayo ay maturuan at mabigyan ng sapat na kaalaman para sa ating hinaharap. Sila ang mga taong pilit na hinahabaan ang pasensya at patuloy na umuunawa sa ating mga kakulangan bilang isang mag-aaral. Sinasabi ng ilang tao na ang pagiging isang guro ay isang bokasyon, kung saan ika’y maglilingkod ng buong puso at hindi inaalintana kung mataas o mababa man ang sahod.
Ang mga guro natin ang mga taong nagpupuyat sa gabi upang maghanda ng aralin para sa susunod na araw. Sila ang mga taong nagpupuyat upang matapos mabigyan ng grado ang pagsusulit ng kanilang mga estudyante. Sila ang mga taong puyat sa gabi ngunit buong lakas, buong puso at buong siglang pumapasok at hinaharap ang kanilang mga estudyante. Sila ang mga taong hindi natin napapansin, dahil iniisip natin na sila ang nagpapahirap sa atin gawa ng mga binibigay nilang mga proyekto, takdang aralin at pagsusulit. Sila ay ilan sa mga taong lubos na nagmamalasakit sa atin. Sila ang mga taong naniniwala sa ating kakayahan. Sila ang mga taong nagtitiwala sa atin. Wala dahilan upang hindi natin sila ituring na isang bayani. Buong puso silang naglilingkod sa ating mga kabataan dahil naniniwala sila na tayo ang pag-asa ng bayan; naglilingkod sila para sa ikabubuti ng bayan. Dakila sila. Dakila ang napiling daan ng mga gurong ito.
Saludo ako sa mga nabubuhay na bayani! Mabuhay at nawa’y marami pa ang maging katulad ninyo!
https://nstp1upse.wordpress.com/2013/08/27/si-teacher-ang-aking-bayani/
Kayo ang Dahilan
ni: J
Binabati ko kayo. Kayong mga nilalalang na nagpakahirap upang maabot ang mga pangarap.
--- Mga pangarap na unti-unting aabutin at susungkitin sa pagdaan ng panahon.
Binabati ko kayo. Kayong mga nagpatulo ng pawis upang makita ang liwanag sa gitna ng dilim.
--- Mga liwanag na maaaring mabasag sa katanghalian ng buhay.
Binabati ko kayo. Kayong mga nagsakripisyo sa araw at gabi para sa kinabukasan ng bansa.
--- Mga kinabukasang iuukit sa mga pahina ng aklat ng buhay.
Binabati ko kayo. Kayong mga nagpalakas upang maitayo ang mga tulay na daraanan sa bagong kabanata.
Binabati ko kayo. Kayong mga nag-ukol ng panahon sa mga asignatura upang mailaman sa nakukultang utak.
--- Mga utak na nasasakop ng alinlangan at panghihina sa mga dagok at pagsubok ng apoy.
Binabati ko kayo. Kayong mga nagbinhi ng mga mabubuting pananim upang baunin sa paglalakbay sa balintunang mundo.
--- Mga paglalakbay na hindi mawawari hangga’t hindi natatalunton.
Binabati ko kayo! Kayong mga GURO ng mga mag-aaral. Sa inyo dapat iukol ang pasasalamat at pagdakila! Sapagkat hindi namin maaabot ang mga pangarap kung hindi ninyo kami pinasan upang tumaas. Kayong mga guro ang siya naming ginawang hagdan upang makita ang tagumpay…
Kayong mga guro na nagtitinda ng tocino at longganisa, , mani at kendi, bra at panty, sapatos at tsinelas, bukayo at panutsa, RTW at leche flan, ipit sa buhok at hanger, Avon at Saralee, daing na bangus at danggit para maipandagdag sa kakarampot na suweldong hindi maitaas-taas at binabawasan pa ng mga kurakot na lider ng bansa.
http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/tagalog-na-sanaysay-para-sa-mga-guro.html
Magturo'y di biro: Isang pagpupugay
sa mga guro
Noong ako'y bata pa, lagi kong naririnig sa aking mga naging guro, na ang
pagtuturo ay hindi birong propesyon, at napakalaking responsibilidad ang
nakaatang sa kanilang mga balikat.
Sa aking murang pag-iisip noong mga panahong iyon, hindi ko lubos
maintindihan ang kanilang sinasabi. Subalit, makalipas ang maraming taon,
nagtapos ako ng pag-aaral, naging ganap na mamamahayag, at kamakailan ay naging
guro na rin sa Pamantasan ng Peking, ngayon ko pa lang napagtanto ang kanilang
mga sinabi..
Tuwing pupunta ako sa pamantasan upang magturo ng Wikang Filipino,
pumapasok sa aking isipan ang awiting "Magtanim ay Di Biro," pero, sa
aking situwasyon, ito ay nagiging "Magturo'y Di Biro," hindi dahil sa
nahihirapan ako sa pagtuturo o ayaw kong magturo, kundi, dahil malaki ang
responsibilidad na nakapatong sa aking mga balikat upang magbigay ng wasto at
tumpak na kaalaman sa aking mga estudyante.
Pero, ang karanasang ito ay hindi lamang naging dahilan upang ako ay
magpursige sa aking pagbibigay-kaalaman, ito rin ang naging dahilan upang
makilala ko at maging kaibigan ang mga mababait na guro at mag-aaral ng kursong
Araling Filipino ng Pamantasang Peking.
Sa pamamagitan ng aking pagiging guro, naibabahagi ko ang isang parte ng
aking sarili sa aking mga estudyante. Sa pamamagitan nito, hindi lang sila
natututo, maski ako man ay marami ring natututunan sa kanila.
Ngayon ay naintindihan ko na kung bakit ganoon na lang ang pagpupursige
ng aking ina na maging guro: sa pamamagitan ng propesyong ito, siya pala ay
tumutulong sa paghubog ng kaisipan ng mga kabataang, isang araw ay silang
mamumuno ng ating mundong ginagalawan.
Dahil diyan, maraming salamat po sa aking uanang guro: ang aking ina.
Maraming salamat sa lahat ng aking naging guro, kasalukuyang guro, at lahat ng
guro sa buong mundo, nawa'y lagi kayong maging malakas. Mabuhay po kayong
lahat!
http://filipino.cri.cn/501/2011/12/22/2s106784.htm
DULA
What is really the use of education? They said
education is not achieved by merely reading a book, instead educationis gained through
experiences in our daily sturggle in life. There are two kinds of education,
intellectual andemotional. This play illustrates the big contribution of a
teacher to a student. s. Amelia Resontoc is one teacher that who
looked upon to by her 5 students, which help them to understood their
real aspects and aims in life. Five studentsreminiscing the ups and downs
of being a student and how great having a supportive teacher in their
lives. A play that will change their opinions to teachers and aiming to
bacome a good sample to students.
The play has a five
characters of tacersi and students. Ms Palafox is a teacher that shocks or
threaten her class. Mr. Taluctoc,
student call him “The walking store”because he sells all objects that
we can see in stores. Ms. Alacdan, perfectionist teacher who wears
mini skirts. Mr. Inspection, a teacher who suede for harassing her
student. Ms. Amelia Resontoc, a respected teacher and inspiration of five
students. Myra, was a good dancer who follows the footsteps of Ms.
Resontoc. Yule a child who esperience many things in life and he was left
by his parents. Klein, his parents do not trust him. Faye she was a lazy
student in class and Clare who was sodeeply inlove but in the end she was hurt.
In the play it
portrays why education is imporatant, how teacher feels hard because of the
disrespect of students. Theconversation between the teacher and parents, love
importants of trust to parents to there children while they aregrowing up. The
important role of God in the life of a person and the biggest contributionof
teacher to students toachieved...
ni Rogelio Sicat
buod
Napabalita na pinagsasamantalahan ng anak ng alkalde si Aida na anak ni
Regina. Humingi ng tawad ang alkalde at hiniling na iurong ang kaso isinampa ng
pamilya, tumanggi sila dito. Nanaig din kay Tony na ipaglaban ang kaso dahil na
rin sa pagkamatay ng kanyang ama.Lalo silang nabahala dahil patuloy na
pakikipagrelasyon ni Aida sa anak ng alkalde, kailangan niya na ren ng
“tranquilizer” upang mapakalma siya. Isang araw nga ay nanaginip siya na si
Tony ay pilit na pinapainom ng lason ang anak ng alkalde. Ilang sandal lang ay
nabalitaan nila na pinatay ni Tony ang binata. Hinabol siya ng mga pulis ,
inagaw naman ni Regina ang baril mula sa anak. Tinutukan si Tony ng mga pulis
pero hinarangan ito ng ina ngunit biglang inagaw ng anak ang baril.Nguni hindi
sinasadya na mabaril ni Regina ang mismong anak niya at nahuli ito ng mga
pulis.
NOBELA
Buod
Isang pag-ibig ang sumibol kay Amelita ng makilala
niya si Mauro, ang kanyang guro.Ang siyang dahilan kung kaya’t ang kanyang
kinuhang kurso ay ang maging guro. Ang maging titser ay lubhang tinutulan ng
kanyang ina na si Aling Rosa. Sapagkat ang nais ni Aling Rosa ay maging kagaya
ni Amelita ang kanyang mga kapatid na may “titulo” ," tutol si Aling
Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang
hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa
kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si
Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero
na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang
iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring
guro sa pampublikong paaralan ng kanilang bayan. Nang malaman na
ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang
dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa
bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na
nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin
ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at
ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang
buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na
umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay
gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa
sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na
hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring
pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.
Sa
ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang
kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan
nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang
anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin
tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng
mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si
Mauro.
Lumipas ang
ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw
ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para
sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit
kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang
pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong
may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.
Matagal
na panahon man ang lumipas, hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay
Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala
niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay
naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa
kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong
akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay
nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di
nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at
kalimutan ang minamahal na si Amelita.
Nagkaroon ng malubhang
karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa
mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang
gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan
ang matanda sa kanyang pagkakamali. At siya’y humingi ng tawad kay Amelita
at Mauro.
https://www.wattpad.com/story/2379715-ang-paborito-kong-teacher
LIBRONG ISINAPELIKULA
Buod
Bakit namamalo si Miss Uyehara?
May mga notebook bang lumilipad?
Bakit masakit sa ulo ang Mafhemafics?
Ano ang sikreto sa pagkakaibigan nila Pepe at Tagpi?
Bakit may mga taong nakapikit sa litrato?
Masarap ba ang Africhado?
Sino si Tigang?
Bakit may mga classroom na kulang ang upuan?
Masama bang mag-isip nang malalim habang naglalakad?
Saan ang Ganges River sa Pilipinas?
Bakit may mga umaakyat ng overpass pero hindi tumatawid?
Sino ang webmaster ng bobongpinoy sa Internet?
No calculators.
No dictionaries.
No erasures.
No cheating.
Oops, time's up!
Pass your papers.
ni Ricky Lee
Bilang guro sa isang pampublikong paaralan, naging inspirasyon at naging malapit si Mila sa kanyang mga mag-aaral, lalung-lalo na kay Jenny (Serena Dalrymple), dahil sa buong-pusong pag-aalay ng sarili sa bokasyon.
Ngunit nang dumating ang pagkakataong di dininig ang kanilang hinaing bilang mga guro, at ilan pang mapapait na karanasan, tulad ng paglisan ng pangalawang lalake sa kanyang buhay na si Primo (Piolo Pascual), lumabas siya sa apat na sulok ng silid-aralan upang hanapin ang nawawalang bahagi ng kanyang pagkatao.
Sa kanyang paglalakbay, napadpad siya sa Ermita at doon nakilala ang iba pang mga tauhan ng pelikula na tila nawawala ring mga kaluluwa tulad niya. Naging kaibigan niya ang mga babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw na sina Winona (Kaye Abad) at Rona (Cherry Pie Picache). Nakasama rin niya sa lansangan ang mga batang sina Leni (Angelica Panganiban) at Peklat (Jiro Manio).
Naging mas malawak ang mundo ni Mila sa Ermita. Doon, ipinagpatuloy niya ang kanyang bokasyon bilang isang guro nang magturo siya sa lansangan. Mas naunawaan at naipaunawa niya sa iba ang mga aral at tunay na kahulugan ng buhay.
Ibinabahagi ni Mila ang kanyang sarili sa lahat ng makilala. Sa pamamagitan ng pakikiisa niya sa bawat taong nasa kanyang paligid, unti-unting nabuo ang kanyang pagkatao. At sa huli, tuluyan niyang nahanap ang sarili sa kandungan ng matagal nang di nakakasamang ina.
Bukod sa mga aral na iniiwan ng pelikula sa mga manoonod, naipakita rin ng Mila ang ilang kabulukan sa sistema ng lipunan – ang kakulangan ng edukasyon para sa mga kabataan na nagdadala sa kanila sa madumi at mapanganib na buhay-lansangan, at ang pakikibahagi sa prostitusyon at pang-aabuso ng mga may kapangyarihan sa mga mahihinang naghahanap ng masasandalan.
Tinalakay din ng Mila ang matagal nang isyu tungkol sa abang kalagayan ng mga guro. Ipinakita sa pelikula ang pagiging bulag at bingi ng pamahalaan sa kahalagahan ng mga gurong nagtitiyaga sa mga pampublikong paaralan. Panahon na marahil para makinig sila sa mga “bayani” ng silid-aralan.
Malaki ang inaasahan ng mga manonood sa pelikulang Mila dahil sa naging mahusay at malawakang promosyon nito bago ito ipinalabas. Maaaring hindi ito gaanong naabot ng pelikula dahil kung titingnan ang kabuuan ng istorya sapagkat simple lamang ang pagkakagawa nito. Hindi ito umasa sa kumplikadong teknolohiya o special effects. Ngunit kapansin-pansin pa rin ang mahusay na paglalapat ng musika at masinop na pagkakalikha ng bawat eksena.
Sa kabila nito, ang simple ngunit makabuluhang kuwento ang naging kalakasan ng pelikula. Buhay na buhay ang bawat tauhan at naitatanim sa isipan ng mga manonood ang bawat katagang binibitiwan nila.
Bukod sa pangunahing aktres na si Maricel Soriano, naging mahusay din ang pagganap ng iba pang mga naging bahagi ng pelikula, tulad nina Princess Punzalan (Linda), bilang matalik na kaibigan ni Mila, at Kathleen Hermosa (Teresa), isang baguhang guro na kaagad na napasabak sa hirap ng piniling bokasyon.
Repleksyon ng mundong ating ginagalawan ang pelikulang Mila. At nagsisilbing inspirasyon si Mila sa mga taong nais ibahagi ang kanilang sarili upang higit na maunawaan at maipaunawa sa iba ang mga aral ng buhay na hindi lamang sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan matututuhan.
Buod
Isang baguhan at batam-batang substitute teacher si Melinda Santiago (Alessandra deRossi) sa Malawig Elementary School. Salat sa kabuhayan ang mga pamilya ng mgamag-aaral sa lugar na ito, kayat ang mga bata ay inoobliga ng kanilang mga magulangng responsibilidad sa bahay at sa paghahanapbuhay. Ang ganitong kalagayan aynakaapekto sa pananaw ng mga kabataan sa pangarap, edukasyon, katarungan, atkababaihan na ikinabahala naman ni Melinda. Ang sitwasyong ito ay nagsilbing hamonsa kanya, at nasubok ang kanyang pakikihamon nang sumali ang paaralan saisang choral contest. Bagamat nakitaan niya ng interes at kakayahan ang mga mag-aaral ay hindi naman naging madali sa kanya ang paghimok sa mga magulang nito napayagan silang sumali sa paligsahan. Tanging si Luz (Amy Austria) na ina nina Popoy(Bryan) at Obet (Piero) ang bukas ang isipan ukol dito at tumulong kay Melinda nahimukin ang iba pang mga magulang. Subalit nadamay at napatay ang batang si Popoysa isang enkwentro ng NPA at military nang minsan siyang sumama sa kanyang ama naisa sa mga lider ng NPA. Dahil sa trahedya ay tumamlay ang dating masiglangpaghahanda ng mga bata para sa paligsahan.Malinaw ang mensahe ng pelikula sa paghahatid nito ng pag-asa at mapagpalayangpagharap sa hamon ng kahirapan at bulok na sistema ng lipunan lalo na sa edukasyon.Nabigyang-diin ang mga karapat-dapat pag-ukulan ng pagpapahalaga katulad ngpamilya, kabuhayan, edukasyon, pangarap, tinig ng kababaihan, relihiyon at paglinangsa malikhaing kakayahan ng mga kabataan, Sa ilang punto ay aakalain na pinababa angkalagayan ng mga guro sa pelikula ngunit sa bandang huli ay makikita ang kanilangkadakilaan. Mahusay ang pagkakahubog sa katauhan ni Melinda bilang isang taong maypaninindigan at tanto ang hinahanap sa buhay. Makabuluhan ang diyalogo at puno ngsimbolismo ang mga pagpapalit ng eksena. Magagaling ang mga nagsiganap mula samga pangunahin hanggang sa mga sumusuportang aktor, bata man matanda. Kungtutuusin ay napakabatang tingnan ni Alissandra sa kanyang papel na guro, subalitnatabunan ito ng magaling niyang pagganap. Ang teknikal na aspeto ng pelikula aykahanga-hanga at maipagmamalaki. Bagamat ang eksena ng paggamit saLupangHinirang bilang piyesa ng ensayo ay tila hindi karapat-dapat sa punto ng usapingmakabayan. Gayunpaman, halata ang maingat at masuyong paghihimay ng direktor samga detalye ng pelikula.Sa kabuuan ay simpleng kuwento na may malalim na damdamin at positibong mensaheang pelikula. Bawat isa ay hinahamon na maging tagapaghatid ng pagbabago atbigyang-daan ang pag-asa. Ang Munting Tinig ay isang obra maestra na napapanahonat dapat tangkilin ng publiko.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento