Simpleng Kuwento ng Simpleng Buhay

        Ang kwento ni Mila ay nagsimula sa paaralan, isang kwento na hango sa buhay ni Anita Pamintuan, isang gurong nakipaglaban para sa mga karapatan ng kapwa niya guro noong panahon ng administrasyong Aquino.


        Bilang isang guro sa isang pampublikong paaralan, naging inspirasyon si Mila (Maricel Soriano) ng kanyang mga mag-aaral. Minamahal sya ng kanyang mga estudyante lalo na si Jenny (Serena Dalrymple) dahil sa buong puso niya dedikasyon sa kanila bilang guro.

        Sa pagpapakilala sa kanyang asawa na si Nato (Nonie Buencamino) isang sugarol at abusadong asawa nakilala ko at pagkato ni Mila bilang asawa. Sa kabila ng kanyang pagiging maunawain, mabait at pagiging makalingang guro at natuto na sya lumaban. Maaaring dumating na sa sukdulan ang pananakit ni Nato.
       " Putang ina mo! Anong gusto , ibibigay ko sau ang lahat ng pinaghirapan ko? Tapos isusugal mo, pinagsisisihan ko na kung bakit kita pinakasalan. Sugarol ka, mamamatay kang sugarol. Tapos na tayo!"     .... Mila
        Sa ikalawang pagkakataon ay natagpuan niya ang ikalawanang lalaking inakala niyang maaaring makasama nya si Primo (Piolo Pascual), masaya ang simula subalit lumabas din ang totoong kulay nito. Si Primo ay isang adik. Hindi siya sinuwerte sa dalawang lalaking kanyang minahal.

       Dahil sa hindi wastong trato pamahalaan at hindi pagbibigay pansin ng gobyerno ay buo ang welga at demontrsyon ng mga public school teacher sa Maynila at isa si Mila kasama ang kanyang mga kasamahan sumapi sa mass leave. Maaari kong sabihin na ito rin ang naging dahilan kong bakit ko iniwan ang larangan ng pagtuturo ng panahong yaon, dahil sa kakulangan ng suporta ng gobyerno. Kulang na kulang ang sweldo inilalaan sa mga guro. Ipinakita din ang diskriminasyon noon sa mga baklang guro (Mr. Malvar).
       "Walang kinalaman ang sexual preferences sa pagiging isang GURO"    ...Mila

      Sa gitna ng pagsubok sa buhay ay makikita rin ang pagiging tunay na tao ni Mila. Nariyan ang mga eksena kung saan tinatanong niya ang kanyang mga kagurong nagwewelga kung tama ba ang kanilang ginagawa na paghingi ng pagtaas ng sweldo. Ang pagkakamali niya ng pagpili ng lalaking mamahalin. Nakita ko rin siya sa aking sarili habang ako'y nagtatrabaho sa ibang bansa na nakararanas ng mga pagsubok na minsan ay kinakailangan natin ng masasandalan pero wala akong matakbuhan. Kahit na sabihing kumikita ka ng sapat para may maipadala sa pamilya mo subalit ang isip at puso mo ay nangungulila sa mga mahal mo sa buhay. Maaaring iyon din ang hinahanap ni Mila... na dumating na sa punto na hindi na nya matagpuan ang kanyang sarili. 

     Sa kanyang paglalakbay, napadpad siya sa Ermita at doon nakilala ang iba pang mga tauhan ng pelikula na tila nawawala ring mga kaluluwa tulad niya. Naging kaibigan niya ang mga babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw na sina Winona (Kaye Abad) at Rona (Cherry Pie Picache). Nakasama rin niya sa lansangan ang mga batang sina Leni (Angelica Panganiban) at Peklat (Jiro Manio). Naging mas malawak ang mundo ni Mila sa Ermita. Doon, ipinagpatuloy niya ang kanyang bokasyon bilang isang guro nang magturo siya sa lansangan. Mas naunawaan at naipaunawa niya sa iba ang mga aral at tunay na kahulugan ng buhay.


     
     Ibinabahagi ni Mila ang kanyang sarili sa lahat ng makilala. Sa pamamagitan ng pakikiisa niya sa bawat taong nasa kanyang paligid, unti-unting nabuo ang kanyang pagkatao. At sa huli, tuluyan niyang nahanap ang sarili sa kandungan ng matagal nang di nakakasamang ina. Ang kanyang ina na sa simula pa lamang ay maaaring may inipon na syang hinanakit dito dahil sa pag-iwan sa kanya ng siya'y bata pa. Tulad ko bilang isang OFW na alam ko darating din ang panahon babalik pa rin ako sa Pilipinas at sa aking propesyon bilang guro.

     Kung dati, ang buhay ni Mila ay tila walang direksyon at hindi nya alam ngayon natagpuan niya ang sarili sa Ermita.Mula sa kandungan ng mga taong naisantabi ng lipunan, nagniningning ang kayang katapatan sa propesyon bilang guro. Ipinakita niya na ang pagtuturo ay hindi lamang sa loob ng silid-aralan, hindi kinakailangang ikulong sa isang kwarto na ginagabayan ng mapaniil na regulasyon. Bitbit nya kaalaman at kasanayan, tinuruan niya ang mga bata sa lansangang magbasa, magsulat at magbilang. Itinuro rin niya sa mga taong ito kung paano mangarap upang makaahon sila sa buhay na walang katiyakan. Sa kanyang pananatili doon nakilala rin niya ang tunay na halaga ng kanyang pagiging isang guro.

    Sa kanyang pagpanaw ay nakita kung gaano siya naging inspirasyon sa mga taong nakasalamuha niya bilang isang guro, asawa, kaibigan at mamamayan ng lipunan. Maaaring naibahagi niya ang tunay na anyo ng lipunan sa mga taong nakasalamuha niya sa Ermita, subalit siya bilang isang guro ay may natututhan din mula sa dukha ng lipunan. Ang sabi nga ng kasamahan nya na retiradong guro na si G. Castro si Mila ay: 

                   " Wala siyang honors, wala siyang grants, ni wala siyang masters degree. pero sa ating                 lahat,    si Mila ang may pinaka-edukadong puso. Pinapaalala niya sa atin na ilang ulit man               tayong ituring na napakababa ng ibang tao, ilang ulit man tayong maliitin, ang teacher ay                 isang malaking tao at ang pagtuturo ay isang na ipinagmamalaki nating lahat." .........                          G. Castro

      Repleksyon ng mundong ating ginagalawan ang pelikulang Mila at  nagsisilbing inspirasyon siya sa sa akin bilang isang gurong nagnanais makabalik sa pagtuturo, mga taong nais ibahagi ang kanilang sarili upang higit na maunawaan at maipaunawa sa iba ang mga aral ng buhay na hindi lamang sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan matututuhan. Siya ay kakaibang guro subalit ang sabi nga nya sa kanyang kaibigan na si Lani (Angelika Panganiban) :
                           "Hindi ako iba, isa lang ako TEACHER".....      -Mila 




        

Mga Komento

  1. CASINO IN LOUIS | The JTG Hub
    CASINO 당진 출장마사지 IN LOUIS, LA. 진주 출장마사지 (WSPA) 안산 출장샵 - A 익산 출장안마 South Lake, LA hotel and 서산 출장샵 casino is on a river in the lakefront district of Louisiana, United States.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito