Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2017
Imahe
 AMBAG KO SA MGA KABATAAN  ni Cerio S. Acquiatan           Sa pakikipag-usap ko sa aking dating estudyante na ngayon ay magtatapos na sa kolehiyo nakaramdam ako ng pagmamalaki sa aking sarili. Alam ko na handa na sya sa bagong buhay niyang tatahakin, ang tunay sa laban ay nagsisimula pa lamang  para sa kanya at sigurado ako na handa at sapat ang kakayahan nya pra dito.           Bilang isang guro alam ko ang naiambag ko sa kanyng pagkato. Sa kabuuan ng pagkatao ng isang indibidwal napakalaki ng impluwensya ng mga guro sa ating mga mag-aaral. Pangunahin sa mga tungkulin ng guro ang pagtuturo. Ang mahabang oras sa panahon ng guro ay ginugugol sa harap ng klase sa loob ng silid-aralan upang magbigay ng impormasyon, gumigising ng kawilihan ng mga mag-aaral sa paksang tinatalakay, magpaliwanag, makipagtalakayan, magtanong at tumugon sa mga katanungan ng mga mag-aaral. subalit hindi dito nagtatapos ang lahat, a ng guro ay magulang/ina/ama sa paaralan. Pinangangalagaan nati