Ang Alegorya ng Yungib
ANG ALEGORYA NG YUNGIB Ang Alegorya ng Yungib ni Plato (Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo) At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat mabatid o hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo . Sa di kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab, sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may daang papataas. Kung ang paningin mo ay dadako sa mababang pader nito, maihahalintulad ito sa isang tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet. Nasilayan ko. At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding na may dala- dalang mga monumento at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at bato? Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. N