Inang Kalikasan: Pangalagaan Ang ating mundo ay sagana sa mayamang likas na yaman. Mga kayamanang siyang sumusuporta sa buhay ng lahat ng nilalang sa daigdig. Napapalawig ang lahi ng tao at naitataguyod ang isang matiwasay na kinabukasan dahil sa yamang handog ng mayamang kalikasan. Sa patuloy na pag-unlad ng ating mundo kaalinsabay nito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating kalikasan na hindi dapat isinasawalang bahala. Mga mapag-aksayang pamumuhay ng tao, tulad ng labis na paggamit o pagkunsumo ng kuryente, patuloy na pag-usbong at pagdami ng mga pabrika na nagbubuga ng mga usok, pag-abuso sa mga likas na yaman na nagiging dahilan ng pagkawasak ng bundok at kagubatan. Ang patuloy na paglobo ng populasyon ay isa rin sa dahilan ng paglaki ng pangangailangan upang magpatuloy ang labis na pagkonsumo sa likas na yaman. Climate change, global warming at ...